Sunday, June 5, 2011

gego ka!! (ulolmesomuchmore)

.Bago ako magsimula,,gusto ko muna paalam sau n tungkol lng naman sa sarili ko ang ikkwento ko,,kwentong npakawalang kwenta!! wala kxe akong mgawa ehh ( trip ko toh!!)

Ewan ko kung san napulot ng masipag kong nanay ang panagalan kong CRIS JOY ( pwe!!),, oo tama masipag ang ina ko,,( pero hindi sya ang topic dito!!)
ayaw ko tlaga sa pangalan ko.!! period ! Pero dahil cguro sa epekto ng pagiging makadyos ng ina ko,,hinango nya ang pangalan ko sa pangalan ni Cristo ( daw!!) at ng christmas! .mejo tinanggap ko na din ang pag ka O.A kong pangalan!! ( hayzt ) bkit di nlng kasi Precious nathalie ang nging pangalan ko?? haha!! Ang "joy' nmn daw ay ay ganon din..(huhhh??) Joy daw kase ang pasko ( naku O.A ),may kakornihan ata ang nagpangalan sakin.. Isa pa December ang buwang isinilang ako sa mundong ibabaw na puno ng kalapastanganan ng mga taong naninirahan dito!! paskong pasko talaga!!! ( grrgghh).Hindi dahil sa gusto ko ag pasko,eh gusto ko na din ang nakakairita kong pangalan! ayaw ko din ng tinatawag ako nino man ng Cris Joy,,una: dahil nga sa ayaw ko dito, pangalawa: dahil nakakabwesit itong pakinggan at pangatlo: parang galit sakin ang tao kapag tinawag akong CRIS JOY...!!  hoy cris joy!! Bwesit!!

Kaarawan daw ni cristo ang pasko sa paniniwala ng karamihan,. (  totoo ka??) na salungat nman sa paniniwala ng relihiyong kinaaaniban ko!! hindi sila naniniwala jan! ( sila lang,,pro dahil sabit ako dun,, nakiayon narin ako!!)
Hindi ako relihiyosang tao! naniniwala na ako sa " just believe and faith then you will gain salvation."( nakzx english un ah??) madami kasing nagdatingang relihiyon sa eh!!..

Anyway,, hindi ko trip pagusapan ang relihiyon,( nagpapaliwanag lng ako kya wag ka magulo!!) pero gusto ko magbasa ng bibliya,pero minsan nlang yun,hindi na nga ata eh!! Kalokohan na kasi ang libangan ko sa pang araw araw n buhay na binigay sakin ng dyos..Ewan ko kung ano ang napapala ko dun,,Masaya kasi eh.( pero hindi maganda!).at alam kong agree  jan ang mga taong luko-loko ding tulad ko!

madami nagsasabing madaldal daw akong nilalang,maingay at prangka..(ulol!!) Higit sa lahat, MAPANGLAIT pa raw ako! Oo galing yan sa bunganga ng mga echusera at echuserong taong naglipana sa mundong ito! pero aminado nman ako na totoo yan!! pero di ko sinasadya!!  kung ano lang kasi ang makita kong pangit sa taong nkabalandra sa harapan ko, lait na ang kasunod na sasabihin ko,lalo n akung alam kong tama ako! at kapansin pansin ito! eh dalawa lang naman ang option ng taong pansinin ehh, Pangit o maganda, sa lalaki nman pangit o gwapo!! Madalas sa mapanglait na nilalang kagaya ko, kapangitan lang ng tao ang napapnsin ko! Bihira ang kagwapuhan at kagandahan ng indibidwal,sa sarili ko lang naman kasi nakikita yun eh!!( ang kapal!! ayan inunahan na kitang sabihing makapal muka ko!!) pero joke lang yun..( gego!!)


Masayahin akong akong tao,,mahilig mantrip mantarantado ng kapwa ko..kapwa ko sira ulo. Madaming beses ko na din narinig na nkakahawa daw ang kabaliwan ko.. mula sa bibig ng mga munting nilalang na nagmahal sa akin.. Base sa experience ko masaya,, masya sa harapan ng mga taong kasing tarantado ko!! Pero minsan nasa katinuan din ako,,pero minsan lang talaga yun,dahil nga pinang aaraw araw ko na ang kagaguhan,,
Expression ko minsan ang Putang inah!! Lalo na kapag may kapalpakang ginawa ang mga tao sa paligid ko!! At alam kong masama yun,( pero hindi ikaw ang magsasuffer kung kakarmahin man ako,,kuha??)
First empression sakin ng tao,ay maldita ako,,( gego!!) oo mejo,lalo na sa mga taong hulma palang ng mukha ay nakakairita na,at sa mga inngiterang nilalang..

Ayaw ko sa mga taong gwapo,maliban kung maappeal, ayaw ko din sa feeling gwapo at feeling maganda!! ( duhh???)

Minsan hindi ko maintindiahan ang ugali ko,,pero my attitude depends on how people treat me!!! ( nyayy,,English!! ) Magaling ako sa English..pero hndi ko masabing the best na ako dun!!
Pero wag ka magtanong sakin kung ano tagalong ng “ roller coaster” baka kotongan pa kita!! Pero pag English ng singkamas “ turnip” yun dude!! U know??

Sabi ng iba kong kaibigang sira ulo, masaya daw ako kasama,dahil madami akong alam na kalokohan!! ( daw ahh??)hndi nmn kasi ako madalas nakikisama sa mga taong ayaw ko!! ( hello?? Close tayo?? )

Maldita at inggrata ako!! ( kapal ng muka para aminin!) Hindi nman kasi ako bait-baitan eh, at di ko din kailangang maging santo-santita sa harapan ng mga mapagpanggap na tao. Pero minsan mabait ako, minsan nga lang talaga.. Mapanglait pa ako! ( wala ka nang pakialam dun dahil hindi nmn ikaw ang nilalait ko kundi yung nagbabasa neto!..=) just joking!!)



Isa sa pinakamalupet kong hobby ay ang kausapin ang mga mumunting insecto dito sa aming bahay mula pa noong pagkabata ko,,at kahit ang mga bagay bagay sa loob ng aming C.R.,( pero hindi ko kinakausap ang tae nuh!!eww!), madalas kong naririnig sa mga kapatid ko na “ ano ba tinae mo? Itak? At pagkatagal tagal mo sa C.R.?,” minsan naririnig pa nila na nagsasalita ako, kaya lang deny to death parin ako,( eh sino ba nmang gaga ang aamin diba?? Isipin pa nila malakas na tama ko.) hindi nila alam na nakatambay lang talaga ako sa c.r. ( ya know?) Oo! Tama,, paborito kong tamabayan ang C.R namin, at ang mga tahimik na lugar..=)

Wala akong maikwentong malungkot tungkol sa pagkatao ko,, una: dahil ang topic ng kwento ko ay ay kabaliwan ko,, pangalawa: hindi ko na iniisip ang mga malungkot na nangyari sa buhay ko, at pangatlo: ayaw ko ng madramang buhay..

Hidi ako mabait, kung tutuusin,. Mabait lang ako sa mga taong nakakaawa at mga taong may edad na,. yung tipong uugod ugod na, tapos laylay na ung eyebag dahil sa sobrang kulubot ng mukha bunga ng katandaan..

Kung tungkol naman sa pisikal ko, maganda ako, at maputi, redlips at SEXY ( charott!) madalas ko purihin ang sarili ko, lalo na kapag nakaharap na ako sa salamin. ( wag ka na magreact dahil kung ano man ang paniniwala mo sa sarili mo hindi kita papakialaman, maliban nalang kung talagang hindi kapani paniwala,. Hindi ko trip purihin ang pangit liban nalang kung mabait,) Pula ang buhok ko, sanhi ng pagiging ambisyosa ko, maarte kasi ako pagdating sa pisikal ko, alam mo yun,, yung tipong ayaw ko ipahawak kahit kanino yung mukha ko, dahil nabbwesit ako!
 Pero kung pagdating sa pagkain patay gutom ako, na kahit nalaglag na kakainin ko parin, wala namang bacteria yun, kasi nagulat sila nung nahulog ito. ang pinakaayaw kong gulay sa lahat ay ang sitaw! Mukha kasing ahas yung takteng gulay nay un eh, kinikilabutan ako! Ang madalas ko naman papakin ay hilaw na ampalaya, at paborito ko din ito lalo na kung may kasamang  itlog.. madalas ko din papakin ang suka, “ vinegar” ha?? At isa sa paborito ko din papakin ay ang hilaw na tahong, naglalaway tuloy ako! =P

Nabubuhay ako sa mundo ng mga taong parang may mga sapak sa ulo,lang. Sobrang iba sa panahon ni Magellan. Ang mga tao ngayon sa paligid ko ay halos liberated, mahilig gumimik, mahilig makipag-inuman, mahilig maglakwatsa.. Maliban nalang sa mga sanggol na kakasuka lang ng kanilang butihing ina, na nabuntis bunga nga sobrang kakatihan,.
Mga taong bawat isa ay may kanya kanyang term, jejemon, emo, punk, rockista, hiphop etc. ( pwe!!) samakatuwid ayaw ko sa mga pauso nila, pero wala akong magagawa, yan ang fashion nila.

Kapag nagagalit ako, gusto kong manuntok ng tao, at kapag badtrip naman damay lahat ng magtyatyagang kausapin ako!

At hindi ko alam kung bakit nainspired akong gumawa ng blog tungkol sa buhay ko na pagka walang kwenta,!

Minsan,,ayy palagi pala hilig kong mambadtrip ng tao! Masaya kasi ehh, lalo na kapag ang taong iniinis mo ay madaling maasar! Naglulupasay na ako sa tuwa nun! May sa demonyo kasi ako, pero hindi ako mukhang demonyo ( taena mamatay na nagiisip nun!!) para akong angel na nahulog sa lupa galling sa langit, dahil bawal daw ako dun! ( haha!! Lul!)
Nakalimutan ko pa pala,  matalino din pala ako, matalino ako sa kalokohan, pero matalino parin ako sa ibang bagay. ( sa paniniwala ko ahh)
Hindi ako matinong kausap, lalo pag dating sa mga kaibigan ko, sira ulo man o hindi, matino lang ako pag dating sa nanay ko..( haha :D)

Dati tahimik naman daw ako, yung halos hindi makabasag pinggan, pero dati nga lang yun, ngaon daig ko pa ata yung mga chismosa naming kapit bahay na walang ginawa kundi magbinggo at makipagtalakan sa katropa nilang chismosa din., ang pinagkaiba lang namin hindi ko trip pakialaman ang buhay ng ibang tao, sila kasi so sobrang chismosa, yung tipong buntis palang ang babae, sa kanila nanganak na, yung busog lang,pero sa kanila nabuntisan na kasi lumaki ang tyan, tsaka yung may bumisita lang na lalaki sa bahay ni babae, sa kanila, asawa na,. at ang pinakamalupit, kahit ulam ng bawat kapit bahay papakialaman nila..( grrghh)
Pero hindi ko sila katropa..

Minsan trip ko din kumanta, kahit yung boses ko kayang maglikha ng bagyong signal # 3,( haha!!) nangangarap lang ako na maging RNB singer, pero pangarap lang yun,, pero wala naming imposible, whaahha!! Pero trip ko magmemorize ng kanta ng mga RNB sa awa ng dyos, ayun nkakaya ko naman., pero simula’t sapul isa lang ang kantang di ko makakalimutan. Yun ang “ lupang hinirang” minsan nga nakakalimutan ko pa kung walang music ehh, ganyan ako kabobo sa kanta. Sayaw lang talaga ang talent ko, at ang pagiging pasaway.. at pagiging makapal ang mukha..

Minsan  ko lang purihin ang sarili ko, dahil madalas, naririnig ko yun sa ibang tao,.( kapal moh!!gago!!) pinanindigan ko na kasi ang pagiging makapal ang mukha, dahil kung makapal daw ang mukha, makapal din ang bulsa ( pero luma na yan..bulsa lang pala ang makapal,??) maputi lang ako kaya ako maganda, pero ganun paman may insecurities parin ako, kung bakit ba kasi hindi pa nagpantay ang kulay ko,,pero hindi parin naman pangit ehh..ok lang buhay parin ako.. ( you know!?)

Minsan may katamaran din ako, kahit sa paliligo, haha!!
Isa sa pikasuklam suklam na gawain sa bahay ang magsampay ng damit at magtupi nito, lalo na kung hindi sa akin.. ( ggrrgghh) pagtikmin mo na ako ng shabu wag mo lang ako pagsampayin ( I hate that evahh!!)

Sa pagiging mapanlait kong nilalang, akala moy perpekto, at mayabang,. Susx.,pabirtud effect pa sila, eh totoo naman kasi mga sinasabi ko,, kung ikaw ba makakita nga taong mabaho ang hininga at amoy putok,? Hahayaan mo lang na sipunin ka?? Syempre dapat sinasabi mo rin diba?? Kaya siguro hanggang ngayon di parin magawang pansinin ako ng babaeng yun dahil sa sinabi kong mabaho ang hininga nya!! Pero wala akong pakialam!! Madalas akong manglait sa ugali at pisikal ng tao!! ( ya know?)

Ang bagay lang na kinatatakutan ko ever ayy,, crawling insects and animals,, basta lahat ng hayop na kakambal ng ahas, ay kinakatakutan ko,, kahit pa ang munting caterpilar na kapag katagalan na ay nagiging isang magandang paru-paro!! At ang pinakagusto ko naman ay mga taong nakikita ko sa t.v. or picture, na duguan, labas utak, sabog ang ulo, butas ang tyan labas ang bituka!! Mga pugot na ulo,, pero sa kasamaang palad hangang picture nalang ako, at patuloy na nangangarap na makakita nga ganon sa personal na pang yayari.. ( )

Malandi akong babae, pero unti unting nagbabago,, pero malandi parin ako at ayaw kong ideny yan sa sarili ko,, ngunit,subalit, datapwat, hindi ako kasing landi at haharot ng mga babaeng naglipana sa kalye ng Buendia !!

Mahilig din akong magtatanong at gumawa ng mga walang kwentang bagay at mga walang kwentang trip.. mahilig ako manggaya ng trip, lalo na sa mga nakikita ko sa t.v. ! pinakagusto kong gawin ay mambwesit ng taong nanahimik sa apat na sulok ng aming bahay, yung tipong mukhang tanga lang, yung iisturbuhin ko sya  sa senti nyang mood, hanggang sa abot ng aking makakaya! ( haha!!) nakakaulol lang ang mga pinaggagawa ko sa buhay, buti nga hindi ko naisipang sumayaw sa kalsada eh, tapos yung may regla pa, tapos yung napkin with matching dugo, kukunin mo, at sumayaw habang pinapaikot ikot mo ung napkin..( yaaackkzzz) hndi namn ako ganyan ka ulol! Hanggang imagine lang ako!!
Pero minsan na akong nagpasagasa sa sasakyan trying kung talagang mamamatay ako! nag aaral palang ako ng ikadalawang taon noon  sa sekondarya,. Dahil sa isa akong mahilig mandiskubre ng bagay bagay sa mundo sinubukan ko ang kalapastanganang bagay na iyon, sanhi na din ng madami akong nababalitaan na namatay na mga tao dahil sa sila ay nabangga ng sasakyan,,hindi kasi ako naniniwala dun, at base sa experience ko sa  trip kong nakakagago, ay nakakamatay nga, at sa awa ng dyos, hindi nya ako hinayaang manahimik sa kabilang buhay! Paano ba naman kasi eh, gilid lang ng sasakyan ang nabangga sa akin, at infaivew ahh natalsik kaya ako! malakas pala talaga ang kakayahang pumatay ng sasakyan!!
Buti nga di ko sinubukang tumalon sa building, baka din a talaga ko iligtas ni lord,, ( J)

Hindi ako malinis na tao,, obvious naman sa mga kalokohan ko, inaamin ko talaga lahat ng hindi maganda sa akin., at hindi ko din trip magmalinis,,. Pero hindi din naman ako kasing dumi ng mga iniisip nyo!!

Masipag ako sa pagaaral, at kailangan kong gawin yun, sanhi ng hangarin kong makatulong,( nakxx putah!)  pasaway talaga ako, pero minsan nagsesryoso din,.

Hindi ako mukhang pera, pero gustong gusto ko ng pera.,

Ayaw ko pa pala sa mga lovers na sobrang sweet, ( putcha, kainis.)ang O.A kasi nilang tingnan eh, gusto ko may kalokohan parin, pero yung walang literal na lokohan,, gusto ko sweet parin pero wag na yung sobra at corny!! Ayaw ko kasi ng isip bata, mukhang tanga lang ehh, tanga talaga!!
Ayaw ko din sa linyang to “ ikaw lang ang mamahalin ko, habang buhay” o “ tayo lang habang buhay, di kita pagpapalit habangbuhay” ( putanexz my dear!!) madalas yan ang sinasabe ng mga first time lovers, wala namang masama dun, pero dahil nga  ayaw ko talaga dun,.mga isip bata kasi ang madalas na nagsasabi nyan, mga isip batang nagmamahalan!!

Trip ko din pagtripan ang mga taong di ko kilala, lalo na kung mukha palang ay malakas din mangtrip,,

Mahilig ako sa mga sexy actresses, marahil ay siguro kapag nag artista na ako ,magiging tulad din nila ako,, ( joke!!) gusto ko sina Cristine Reyes, na kamukha ko daw (wewsz) gusto ko din si Katrina Halili, si arci na gumaganap na Dahlia, sa nagbabagang bulaklak, at pati na din si Rufa Gutierez, yung mga artistang gumaganap ng daring role!!

Inaamin ko din na ilusyunadang palaka ako,. oh ayan sinasabi ko na lahat ng negative sa akin,, !

Hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko iisiping maganda ako at hindi ako makapangbwesit ng tao, kya nga kahit sa text ay nagtyatyaga ako,.

“ bobo amputa” “ baliw amputa”, madalas kong sabihin sa mga taong nakikita kong may kamalian, madalas din akong naninigaw, ng tao at nanlalait, ng mga hindi ko kilalang nilalang.

Hindi ko pinagmamalaki ang malademonyo kong ugali, nakakahiya sa mga may hiyang tao, pero hindi ko din kinakahiya, ( so what!! Make your own stilo!!)
 
Ang mga babae ngaun nakakainis,, ayaw ko sa mga babaeng gangster, tapos kapag nagpapicture, ay naka fuck you!! Ayaw ko din ng mga jejemon na text.. “ eow pfoeh” “ mhusztah phowh?” anoe pfoew ghuawa mohw??
( ulolyousomuchmorethaneverything), masakit sa panga basahin,, pauso yan ng mga nagsilabasang engot sa earth!! Kung may natatamaan ako, sorry,ahh? pero wala sa vocabulary ko ,ang intindin ang mga linggwahe mo!!

Mas madalas ako mantrip sa lalaki, bihira lang sa mga babae, lalo na kapag pikunin,, ( sports lang!) at isa ako sa mga pikuning tao!! Gusto ko ako lang ang nantitrip, at ayaw ko ng pinagtitripan ako ninoman,,
Higit sa lahat ayaw ko ng sa taong jinajudge ang physical ko,, mas gusto ko na ako mismo ang manlait sa sarili ko kesa marinig ko yan sa ibang tao,,dahil mabilis maginit ang ulo ko!!

Minsan ko pang nagging expression ang “ patay gutom” na nakikita ko din sa sarili ko,. Isa akong bakulaw na prinsesang madamot, lalo sa pagkain at pera, ewan ko nasa trip lang ata lahat, kasi minsan namimigay naman ako kahit  di nanghihingi,.

Pero magaling ako mang uto at mang blackmail ng mga inosenteng tao, sa paligid ligid ko,  may sarili akong mundo, at ayaw ko na ginugulo ako, lalo na kapag may ginagawa ako, sumpungin akong tao! Kahit gaano pa nkakaatawa ang bagay hindi ko pinapansin, kung may iniisip ako!. Ayaw ko na bigla akong kakausapin ng tao lalo na kapag nasa gitna ako nga katahimikan.

Paborito kong laro ang tungkol sa fashion at mga laronng nakakagulat, larong nakakachallenge at alarong sumusukat ng katalinuhan ng tao.. masasabi kong sa labing pitong pagtatarantado ko sa kapwa ko, ay may nagawa parin akong magandang bagay sa paningin ng iba!

Mahilig din akong manuntok at mangurot na walang dahilan sa mga paslit at makukulit kong pinsan.


Mahilig din akong mag experiment ng mga walang kakwenta kwentang pagkain pero masarap..
Mahilig din ako magkwento ng mga kagagahan ko, pero hindi ko trip magkwento ng mga malulungkot na eksena ng buhay ko, ( duhhh!!)
Hindi ko din trip umiyak o mapaluha sa mga malulungkot na eksena sa t.v. gawa ng mga batikang director ng lipunan..hindi ko din gusto ang mga usaping pampamilyaa, gusto ko lang mga patayan, love triangle, action, at kalokohan syempre, tulad ng mga comedy!!

Madami akong collection ng jokes!! Jan ako minsan natututo ng kabaliwan. Pero hindi ko sinasabeng baliw din ang mga gumawa nun!! Paborito kong author si bob ong!

Hilig ko din ang mga maiinit na sabaw, kaya pabotito ko ang sopas at noodles, gusto ko din ang “ goto” with matching boiled egg,.

Sa totoo lang ayaw ko ng rice,, wala kasing lasa un eh, pero sasabihin nyo na kaya nga may ulam diba?? Madalas ksi ako walang ulam, hahha.. joke ulet!!

Trip ko din mgbiro ng kalibugan sa mga kaibigan ko at kahit sa mga nakakabata sakin, pero trip lang yun,, masaya mantrip sa mga inosenteng tao., lalo na kapag bata., pero hindi ako masamang impluwensya sa mga bata, alam ko din naman ang tama at mali. Pero mas madalas ako sa mali at bihira sa tama,.

Favorite kong motto “ your future depends on your dreams,so tulog lang magtatagumpay ka din” ( wahaha!!) dati ang motto ko, “ what is beauty if your brain is empty”,, pero katagalan nagbago na ito., ang bago ko ng motto “ what is knowledge if you brain is damage?”

Hindi ako makadyos na tao, pero naniniwala ako sa dyos, kahit sa loob ako ng simbahan nagagawa ko paring mag ingay, at magdaldal, wala akong pakealam, minsan lang ako amgseryoso, yun ang kapag may problema ako, minsan lang yun,
Minsan pa may babaeng nakapalda dun, dahil nga pagsamba yun, dumaan sya sa harapan ko, kung diba naman sya sandamukal na tanga , ay nalaglag ang palda nya, tumawa ako nun, sa pinakaunahang upuan pa naman ako,, hahahaha..( sama ko nuh??!)






nasa trip lang ata lahat ng bagay.,ako kasi trip kong mangulangot gamit ang paa,pero joke lang yun,


hindi ko din trip humingi ng pera sa magulang ko,, dahil waka akong magulang na hihingian,,ahaha.. joke!! ayaw ko kasing marinig sa bungaga nila na " kala mo tinatae lang ang pera!" yan kasi ang madalas kong naririnig sa mga magulang na sinasabe sa kanilang mga anak, ganyan  din minsan ang ina ko..! pero minsan lang yun..
  pero buti nalang di talaga tinatae ang pera.kundi mga tao ngayon mukhang sugapa sa pera!! 


sa araw araw akong nabubuhay sa mundo hindi matapos tapos ang kalokohan ko,!!


ewan ko ba!! kung anong pumasok sa isipan ko at naisip kong magsulat nito!! wala lang, para maiba naman, at kahit paano may nakakaalam ng tunay kong pAgkatao!!!


the end!!!